Ako si Caden Gates..Isang lalakeng nawalan ng direksyon sa buhay dahil sa pagkawala niya " Sana makalimutan ko na siya at ang lahat na nangyari sa amin" Madali lang sabihin diba? Madali lang gustuhing makalimutan ang isang tao, lalong-lalo na kung Mahal Mo at sinaktan ka.. Pero naisip mo ba kung makakatulong ba sa iyo? Paano ka matututo? Paano ka magiging malaya? Nakalimutan mo nga siya pero ang bigat nasa puso mo parin, dala-dala mo parin.. __________________________________ Ako si Vanessa isang Amnesiac..Ginusto ko ito..Pero nagsisi ako dahil nawalan na ako ng kasiguradohan kung sino ang dapat pagkatiwalaan dahil hindi ko na sila kilala.. May isang lalake..Isang lalakeng nagsasabing isa siyang importanteng tao sa buhay ko...Maniniwala ba ako?? Hindi nuh!! Pero iba ang sinasabi ng utak at puso...Akala ko Normal lang ang mga pangyayari sa buhay ko pero hindi pala...Sorry nakalimutan ko eh!! Hehehe I'm Vanessa the Amnesiac Princess...