"Mukha ng salapi"
  • Reads 35
  • Votes 1
  • Parts 1
  • Reads 35
  • Votes 1
  • Parts 1
Ongoing, First published Aug 01, 2015
Mature
"Mukha ng salapi"
(Itim na Budhi ng Salapi)
 ni Ian L. Labido © 2014

Kung ika'y walang ganito' ay wala ka ring ganon..
kaya naman dito sila' at ikaw nama'y doon..
para bang basurang nabubulok hinihiwalay ka't itinatapon
Pasasaan pa't tayong lahat ay sa hukay rin paruroon

---

kung kelan yumaman saka naman yumabang
hindi na makontento sa kayamanan ay gahaman
masakit man kung pakikinggan' ngunit ito'y katutuhanan..
na pera ang kadahilanan' sa iyong pagiging makasalanan..

----

Masyado na bang mataas' ang kinaruruunan?..
at hindi mo na makita' ang iyong pinag mulan?..
sana'y iyong pakinggan' itong aking panawagan..
wag ka sanang magpasakop' sa pera at kapangyarihan..

----

Masyado kang nagpakasasa' sa makamundong gawa..
sa mundong akala mo'y' ikaw lamang ang tama..
sa aking pagkahinuha' sana'y di mo ikasama..
dahil nga ba sa mayaman' ka at kami'y hamak na dukha?..

----

Sana'y ipagpaumanhin' aking pag hahambing..
masakit man itong dinggin' ngunit ito'y di pasaring..
kung iyong mamarapatin' nais ko lamang iparating
hangad ko'y ikay gisingin' sa iyong pagkakahimbing..

----

Nakapang hihilakbot!! ako ay natatakot..
tuwing ikaw ay makikitang' galit at napopoot..
ngunit aking napagtanto' ang dahilan kung ba't gan'to..
ikinagagalit mo'y' mawala ang yong ginto..

----

Na lason na ang iyong isipan' wala ka nang pinakikinggan..
unti-unti ay nananahan' kasakiman sa kalooban..
hindi ko nga maunawaan' ikaw ba'y nagbubulagbulagan?..
pamilya't kaibigan' pinagpalit mo sa kayamanan..

----

Sa aking pag iispip' ako ay napahikbi ..
bakit di mo na mawari' ang wasto at ang mali?..
mga mata'y nabulag na't' dalwang tenga'y nabingi..
dahil nga ba sa kinang' at taginting ng salapi?..

----

Hindi ka ba natatakot' sa iyong pagbagsak?
ano mang taas ng iyong lipad' ay gayun din ang paglagpak..
katumbas ng pagkasadlak' karimlan at pagkawasak..
salapi at kapangyarihan' sa hukay ay di mo na hawak..
All Rights Reserved
Sign up to add quot;Mukha ng salapiquot; to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Araw, Ulap, at Buwan  cover
Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso) cover
Mga Gunita Para Sa Aking Sinisinta  cover
SPOKEN WORDS ( Tagalog ) cover
Isangdaang Tula na Hindi Makalaya cover
The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG] cover
Silent#2 ASLFJ2 : Silent Tears ✓ cover
Down the Rabbit Hole cover
Secretly In Love with Him [Completed] cover
Spoken words poetry-tagalog cover

Araw, Ulap, at Buwan

38 parts Complete

Koleksyon ng mga tula. Kwentong nakabalot sa bawat talata. Basahin ang kwento ng kalapastangan ng araw, luha ng ulap, at lihim ng buwan sa "Araw, Ulap, at Buwan" ni Soraemie. Pabalat sa pagkaka-disenyo ni: @clxirven Highest Rank: #10 - tula