"Once upon a time: Kaibigang lampara"
ni Ian L. Labido © 2014
-----------------------------------------------------------
Anila'y tila isang dula, kwento nating dalawa
na animo'y tambalan, ni florante at laura
baga ma't nakakakilig ang tema, ay hindi parin masaya
pagkat ang katutuhanan, isa lamang itong drama
----
Sa bawat yugto, ay komplekado ang mga tagpo
mga linya mo'y nagbabago, at tila ika'y lumalayo
at sa bawat eksena'y, kumikirot yaring puso
wala mang sugat na natamo, ngunit patuloy na nagdurugo..
----
Nag bubugsong mga damdamin, magkaiba ating hiling
sayo'y "once upon a time" sa'kin nama'y "happy ending.."
ngunit di maipipilit, itong aking hiling,
dahil kahit anong gawin, kaibigan lang ang 'yong tingin..
----
Kay tagal na rin pala, mula nang tayo'y magkakilala..
sa tagal ng panahon, halos di ko na maalala..
mga araw na tayong, dalawa ay masaya..
wala mang katiyakan, itong ating pagsasama..
----
Ang sabi ng barkada, bagay daw tayong dalawa..
madalas na kanilang asar, "AYEEE para kayong artista"..
subalit mali ang kanilang akala, sa kanilang nakikita..
pagkat ako'y tulad din nila, isa ring hamak na tagahanga..
----
Sa haba ng pinagsamahan,parati kong pinakikinggan..
mga problema mo't dinaramdam ako rin ay nasasaktan..
pagkat mula paman noon kaibigan na ang turingan..
kahit na hanggang ngayon ako'y isa paring tangulan..
----
Oh.. kay tagal na nga, nating magkakilala..
lahat ng lihim ko't lihim mo'y, alam na nating dalawa...
maliban lamang sa isa, yun ay mahal kita..
at hindi ako masaya na hanggang kaibigan lang talaga..All Rights Reserved