Ilang segundo, minuto, oras, araw at buwan na nagdaan ang hinintay upang ikaw lamang ay mamasdan. Kahit sa isang aparato ng kumunikasyon ka lang unang nasulyapan, kakaibang ligaya ang aking naramdaman. Labis na kasiyahan ang iyong naidulot sa araw-araw na binigay sa akin ng Maykapal. Huwag kang maiinip dahil balang araw ikaw ay mahahagkan at mahahawakan.