Black Widow
Ang pagtanda ay makasaysayan sa ating panahon sa dahilang pinakamarami ang bilang ng matatanda sa buong kasaysayan ng tao sa mundo. Ang tinatawag na “baby boomers”, ang mga ipinanganak pagkakatapos ng World War II, ay silang matatanda na ngayon (edad 65 hanggang 72, humugit-kumulang); at pinakamarami ang kanilang bilang kung ihahambing sa matatanda ng ibang panahon.Makatuwirang gawing paksa ang pagtanda at ang kasanib na mga usapin katulad ng psychology ng matatanda, ang kanilang mga pangangailangan, ang mga pagbabago sa kanilang pangangatawan at kaisipan. ang pakikitungo nila sa lipunan, at ang pakikitungo ng lipunan sa kanila.
Ang paksang ito ay nagdudulot ng isang libo’t isang nakatatalino, nakalilibang, at nakauunawa na paglalakbay sa naiibang mundo.
Alzheimer, sa ating kultura ang tawag ay pagka-ulian, ay isang mahalagang paksa sa pagtanda na sa maikling kuwentong Black Widow ay inilalarawan.
Ang ating nakikita sa galaw at salita ng matatanda, ang mga ito ba ay ba