Lahat ng bagay may kabaligtaran, lahat ng salita meron. Bakit pa kasi naimbento ang salitang 'opposite'? At gamitin ito. Pwede namang kasingkahulugan na lang. Lahat ng sinasabi mo walang iibang kahululugan. Pagsinabi mo ganoon din ang kahulugan na makakarating sa iba, parehas lang hindi katulad ng 'Kabaligtaran' may ibang kahulugan. Iba ang ipaparating.Kasalungat ng salitang binitawan. Posible 'tong sabihin o kaya ay marinig mo sa mga tao. Ang mga kabaligtaran ng isang salita ay may dalawang parte. mayroon yung masasaktan ka mayroon yung sasaya ka. Sa nagimbento ng opposite o kasalungat. Salamat. Sobrang nagagamit ko ito. Dahil puro kasalungat ng nararamdaman ko ang lumalabas sa bibig ko.