Si Kimi ay isang dalagang nagmula sa marangyang pamilya. Average girl lang syang maituturing at kontento na sa kung anumang maliliit na mga bagay ang mayroon sya. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana at napatunayan nyang "Experience is the best teacher" nang sa di inaasahan, lahat ng mga taong pinapahalagahan nya ng lubos ay biglang nag iba at syang dahilan ng gagawin nyang desisyon na walang kapatawaran. Wala syang nagawa kundi ang patayin ang tatanga-tangang si Kimi at buhayin ang sinungaling na si Phorcys. At sa katauhang nalikha, matutunan nya pa ba kaya ang magmahal at magtiwala?