She could be that dream girl of every guy. Sanay siyang hinahangaan and she finds it natural. Then here comes Dave na hindi man lang apektado sa stunning beauty niya? At sa bawat pagkakataong magkakatagpo ang landas nila ay siguradong giyera na lang lagi ang eksena. "Hindi mo man lang ba aq tutulungan?" habang bitbit ang ang dalawang lalagyan ng tubig na may isang galon ang laman. "Kaya mo na 'yan." sabi ni Dave habang mabilis na naglalakad. "Akala mo kung sinong gwapo.Hmp!" "May sinasabi ka ba?" tumigil ito at lumingon. "Wala po. Ang bait-bait mo po kasi, promise." nang-iinsulto na siya. "Good." maikling sagot nito at tumuloy sa paglalalakad. Nanggigil man siya sa inis ay wala siyang choice kundi sumunod dito.