Si Bong at ang Mga Usbong
  • Reads 48
  • Votes 0
  • Parts 5
  • Reads 48
  • Votes 0
  • Parts 5
Ongoing, First published Aug 06, 2015
"Anak, wag kang susunod sa akin ha.  Hintayin mo ako dyan.", yan ang tinuran ng aking ama habang patungo sya sa masukal na punoan.

Alas-sais ng hapon ng kami ay tumungo sa kagubatan ng aking ama.  May ipapakita daw sya sa akin.  Tulad ng kahit sinong limang taon gulang ay bakas sa aking mukha ang naghalong kagalakan sa kung anumang sorpresa ang naghihintay at ang takot sa dilim.

Nang iwan nya ako ay mangiyak-ngiyak ako sa kilabot na bumabalot sa buo kong katawan ngunit sinunod ko ang bilin ng aking ama.

Biglang ...

"Takbo, Bong! Takbo!"

Humahangos ang aking ama patungo sa kinaroroonan ko ng may biglang humila sa kanya.  Di ko maaninag kung sino o kung ano.  

"Takbo!", sigaw na pagalit nya.

Tumalima ako at tumakbo.  Parang ang layo ng kubo namin na kung tutuusin ay nasa may labasan lang ng kagubatan.

 Umiiyak akong sumigaw sa aking ina at pautal-utal na sinabing ... "Nay, si Tatay po!"

Kumaripas pababa ang aking ina at niyakap ako. Nang sabihin ko na may kung ano ang dumukot sa aking ama ay humiyaw ang aking ina ng tulong sa mga kapitbahay.  May tatlong kubong malapit-lapit sa amin.

Si Mang Damian ang unang lumapit. 

"Anong nangyari?" usisa nya.

"Si Tomas, dinukot daw sa gubat", sagot ng aking ina.


Ako nga pala si Bong.  Maitim, kulot and buhok, di gaano kataasan, katamtaman ang mga bisig.  

Sa paglipas ng sampung taon ay nananariwa pa rin ang mga pangyayari sa kagubatan.  May mga araw na napapanaginipan ko pa ang mga yaon.  Alam ko na di tao ang dumukot sa ama ko.  Di ko naman masabi kanino man ang duda ko sapagkat nakatatak na sa mga gunita ng taong bayan na si ama'y kabilang na sa NPA.

Tuwing hapon ay lagi akong nakatitig sa dulo ng kagubatan.  Nagbabakasakaling bumalik si Tatay. Gaya ng dati ay kinikilabutan ako pagdating ng ala-sais pero wala naman akong makita.  Ito ang nagpapaintig ng duda ko na buhay si tatay.
All Rights Reserved
Sign up to add Si Bong at ang Mga Usbong to your library and receive updates
or
#27folklore
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Wind Chime (A Lucid Dream Spin-off) cover

Wind Chime (A Lucid Dream Spin-off)

46 parts Complete

Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dreams. *** Lavender Laxamana can't sing or play the guitar in front of anyone anymore. She hides in her dreams where she can perform and play music to her heart's desire with Yuan. Lavender has already accepted that the man she loves is just a figment of her imagination, but when she crosses paths with Aki, a starting artist who goes by the name of Musikero and looks and sounds like Yuan, Lavender is hopeful they can finally be together in real life. But reality slaps her in the face when she finds out Aki is the exact opposite of Yuan, and he loathes her. While Lavender struggles to find the connection between Yuan and Aki, can she finally find the courage to stop escaping from reality--no matter that Aki may be in love with another woman? And can she finally face the rhythm and beats of her heart and pursue her passion again? How far will she go--or not go--for her dreams? DISCLAIMER: This story is written in Taglish. COVER DESIGN: Regina Dionela