Chapter One: Lunes
Hindi ko inaasahan ang balitang maririnig sa araw natoh. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay ang tanong mo – “Mamimiss mo ba ako?”. Natigilan ako. Hindi ako nakasagot agad. Napa-isip ako. Umalis ka sandali para lumanghap ng hangin at hindi mo narinig ang sagot ko. Inisip ko, mamimiss nga ba kita? Sandali lang naman tayo nagkasama sa trabaho. Ni wala akong alam na personal tungkol sa iyo maliban sa mga haka-haka ng mga kakilala ko. Pero mas naisip ko, puro kabutihan naman ang naidulot mo sa akin at wala rin naming tampuhan ang naganap sa pagitan natin at may napagtanto ako.
Bago ka mabalik, kumuha ako ng kapirasong papel, may isinulat at inilagay sa mesa mo. Sa pagbabalik mo, hindi mo inasahan ang magbabasa mo. “Oo. Siyempre. MAMIMISS KITA. Sobra.” Nakita ko ang kasiyahan mo at dahil doble rin ang nagging saya ko. Bago tayo umuwi ng araw na iyon, lumpait ka ulit, at ngumiti, sabay sabing, “SALAMAT.” Hindi maalis ang tuwa sa mukha nating dalawa. <3