Dalawampu't limang taon ang nakalipas matapos ang isa sa pinaka mapaminsalang lindol sa ating kasaysayan, ating balikan kung gaano nga ba kalaki ang iniwan nitong bitak sa mga lupa at lamat sa ating mga puso? Gaano karami ang gusali at pangarap ang kanyang iginupo? At ilang alaala ng mga kwento mula roon ng buhay at pagibig ang nagpamalas ng hindi pagsuko... dahil laging nagpapatuloy ang pusong nagmamahal at nagtitiwala sa kapangyarihan ng pagibig laban sa trahedya ng buhay. :) “Kung mahal mo ako, tutulungan mo akong kumpletuhin yung one thousand.” Nakangiti siya habang iniaabot muli sa akin ang tinupi niyang paper crane. Nagulat ako sa sinabi niya. “Kung mahal mo ako…” Sa takot. Sa mga bagay na hindi ko pa naiintindihan kahit nararamdaman ko. Hindi na ako nagpaalam. Hindi ko alam kung anong nangyari pero tumakbo akong pauwi sa amin hawak ang dalawang pirasong paper cranes.