Wala man siyang maalala sa malagim na aksidenteng nangyari sa kanya makalipas ang apat na taon, Handa na si Zoella Sydell Bertram upang magsimula muli ng panibagong buhay. Dahil sa trabaho at naiwang pamanang bahay ng kanyang nasawing nanay sa aksidente, kailangan niyang lumipat at humiwalay muna sa kanyang mabait na ama. Sa paglipat niya, nakatanggap siya ng isang kakaibang Advent Calendar na galing sa isang misteryosong tao. Bawat araw, isang regalo ang matatanggap niya sa bawat bukas ng munting pinto ng Advent Calendar. Di tulad ng ibang regalo, isa itong palaisipan. Palaisipan sa totoong nangyari noong gabi ng aksidente. Sa loob ng 25 days, matutuklasan niya lahat ng kasinungalingan at kasamaan na bumabalot sa kanyang pagkatao. Matutuklasan niya ang nangyari sa dalwang araw na hindi niya maalala. Ano nga bang nangyari sa dalwang araw bago mangyari ang aksidente? Aksidente nga ba ang nangyari sa kanya? Tama ba ang pagkakakilala niya sa mama niya? Sino nga ba si Zoella Sydell Bertram?