>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> P.R.O.L.O.G.U.E. <<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<< Siguro totoo nga sabi nila , na kapag in love ka . Madaling makita iyon sa mga mata mo at sa mga ngiti mo. Yung tipo lahat ng bagay sa paningin mo ay perfect. Yung tipong araw-araw siya ang una naiisip,Yung tipong magpapaganda at magpapagwapo ka muna bago ka humarap sa kaniya. Siya na ang mundo mo, siya na ang dahilan ng mga ngiti mo sa labi. Pero paano na lang kung yung taong naging dahilan ng ngiti mo, ay maging dahilan din ng sugat sa iyong puso. Yung tipong akala mo okay na, forever na ito, masaya kami, walang magiging hadlang sa pagmamahalan namin. Okay na lahat. Naiisip mo lahat yan kasi mahal mo siya at alam mo na mahal ka din niya. Pero Paano kung kailangan niyo na bitawan ang isa't isa? Kaya mo ba siyang bitawan na lang? Kaya mo ba siyang Iwan at kalimutan ang lahat? Kaya mo bang tiisin lahat ng sakit? Paano kung yun ang tama ? Paano ka mag sisimula uli? Ano gagawin mo kung ang mundo mo ay unti unti na lang gumunaw? Siya si Samantha, a girl with a simple life at siya naman si Arnold ang kasintahan niya. tunghayan natin ang pagmamahalang wagas nila . Is there really a happy ending in every story of our life? © 2015 by XielRose. All rights reserved. pls... support my story ;) and Enjoy Reading