| ON-HOLD | Si Ice Nikkola Perez ay ang tanging bumubuhay sa kanilang apat na magkakapatid. Labing dalawang taon na gulang pa lamang siya ng maulila na sila. Mahirap lang sila kaya hindi bukal sa loob ang pagtulong sa kanila ng mga kumukupkop sa kanila. Pinagpapasahan lang sila ng kanilang mga kapamilya dahil sa apat sila at magastos. Ganon ang kanilang buhay hanggang sa tumuntong si Ice sa edad na 18. Bumukod sila sa pamilyang nangangalaga sa kanila. Siya ang naging legal guardian ng tatlo niyang kapatid at siya na ang bumuhay sa kanila simula noon. Pero dahil mahirap ang buhay nabaon sila sa utang to the point na pati ang kanilang buhay ay sinisingil na. Sinubukan niyang takasan ang hirap. Mukhang napasobra siya sa pagtakas dahil napunta siya sa isang mundo na hindi niya inaakala. Ang Pairalala. Copyright © 2016 by CrazyWriterss