Sa magkakaibigan, si Rue lamang ang wala pang nobya. Walang nakakaalam kung ano'ng tipo niyang babae. Wala rin namang nangahas na tanungin iyon dahil sa lahat ng magkakaibigan, siya ang pinakatahimik at medyo may pagkamisteryoso rin. Nagsimula ang lahat nang biglang nawala ang transgender nitong kapatid at ang hindi inaasahan nitong pagkikita sa isang babaeng binabansagan ng lahat na "mangkukulam". Ang lahat ay magiging isang roller-coaster-ride na tagpo habang nararamdaman niyang pumipintig ang kaniyang puso sa taong hindi dapat ibigin. Kasabay ang sunod-sunod na problema at kamalasan sa pamilya at pagkakaibigan, may panahon pa kaya siyang magmahal? O pipiliin ba niya ang isang naiibang pag-ibig kung ito ay ang magiging mitsa nang lalong pagkakawatak-watak ng kaniyang pamilya?