Hindi siya yung tipikal na madaldal at childish na babae sa School. Wala siyang kaibigan. Hindi naman siya nerd. Wala siyang braces o malalaking salamin. Hindi siya yung bully or binubully. Pero takot ang iilang estudyante sa kanya. Nakakatakot ang aura niya. Palagi siyang nakayuko at mapagkakamalan siyang kambal ni Sadako dahil sa haba ng maiitim at straight na straight niyang buhok. Tuwing tititigan ka niya at para bang hinihigop nito ang iyong kaluluwa. Malumanay siyang mag salita. At hindi mo gugustuhing makasama siya dahil NAPAKA MISTERYOSO NIYA.