1898: Taon na inakala ng lahat ay ang pagtatapos ng pagdurusa ng marami sa nakaraang mahigit tatlong siglo sa ilalim ng pananahan ng Espanya. Mula sa pagkasawi sa laban ng mga rebolusyonaryo sa Maynila at hindi nagtagal ay ang pagsunod na pagkakagapi maging ng Republika na itinatag sa Kabite. Sa pag-uumpisa ng kasunduan sa ilalim ng panibagong kolonyang Amerikano, umusbong ang nag-aalab na diwa ni Ramon Ragasa na nag-aral at natuto ang musmos na isip at pangangatawan sa isla ng Dapitan na kung saan ang kanyang isip ay tutungo sa nagkakagulong rebolusyon ay nagnanais na maghandog ambag at pagmamahal sa sarili, sa pamilya at sa bansa mula sa natutulog nitong bayan na kanyang kinalakhan sa Kabite. Sa kanyang pagtuklas ng kanyang sarili ay mapapagpasiyahan ang dumako sa pangunahing kolonya ng Estados Unidos: ang Maynila sa pagsisimula ng pag-aanunsiyo ng sa ilalim ng Presidente McKinley: "Benevolent Assimilation" January 4, 1899 na mapasa-ilalim ang Filipinas sa Estados Unidos. Dinanas ang huwad na kaginhawaan dulot ng kolonyalismo: ang pagsusugal, pagkalango sa alkohol, prostitusyon, at ang pagpipistang walang katuturan; ngunit hindi ito naging hadlang sa pakikipagsabayan ni Ramon sa pamamagitan ng pag-aaral sa tila "masukal" na unibersidad ng mga Amerikano subalit siyang naging daan bilanng susi sa pagkilala sa kanyang talento. Nanatiling ipinaglaban ang sariling kultura laban sa huwad na impluwensiya ng Kanluran, ang patuloy na pagtuklas niya sa paghahanap ng tunay na kasagutan sa pagdiskubre sa nawalay na Ama. "Tulay Isabellita" ay makasaysayan hindi lamang kay Ramon; dito naganap ang paghihiwalay ng kanyang kinagisnang Bayan patungo sa tila bayolenteng lungsod subalit siyang muling pagkabuo ng kanyang mga pangarap sa pagsisimula ng hamon at 'ragasa' sa pagtapak sa putik na nilikha ng huwad at kahabag-habag sa kabila ng kariktang nasasalamin sa bagong tatag na syudad Amerika. Ang Manila sa pagtatapos ng taong 1898.