Simula nung iniwan mo 'ko, ang daming tanong na pumasok sa isip ko.
"Bakit mo ko iniwan?"
"Bakit nahirapan ka bigla? Dati kaya naman natin ah?"
"May nagawa ba ako?"
"May nagbago ba sa akin na hindi mo nagustuhan?"
"Pumanget na ba ako sa paningin mo?"
At ang pinakamasakit kung sakaling totoo.
"May iba ka na ba?"
Simula nung iniwan mo 'ko, nagsimula na akong kausapin ang sarili ko.
" Di ka ba naaawa sa sarili mo? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
"Iniwan iwan ka tapos babalikan ka kung kelan niya gusto, ano ka, buffet?"
"Sino ba ang taong nagmamahal ng totoo na iiwanan ka bigla sa ere kasi hindi niya kaya yung sitwasyon na malayo ka?"
"Kung mahal ka talaga niya, kakayanin niya yun kasi alam niyang kinakaya mo din."
"Oo, madami kayong pinagsamahan, madami na kayong problema na nalagpasan, pero siya ba, naisip niya ba yun mabuti bago ka niya iwan sa ere ng ganun ganun lang?"
Siguro, kelangan ko talaga bumangon mag isa.
Yung hindi na siya kasama.
Tatandaan ko na lang na gagawin ko to para sa sarili ko, hindi para sa kanya.
At para sa taong iniwan ako: "Sana masaya ka sa ginawa mo. Mahal na mahal kita."
This guy is bad news, pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Zandra Asuncion, who dislikes Michael Jonas Pangilinan, starts to understand him and foolishly tries to "fix" him. Unbeknownst to her, she's falling into a trap, as this guy has no intention of pursuing her - and no intention of letting her go either.
South Boys #6
JFSTORIES