Ang pag-ibig ay hindi isang pabebe lang. Isa itong masalimuot na paglalakbay. Luha, tawa, pait, tamis, pakla, sarap, tabang, asim, at lahat ng uri ng emosyon ay rumarambol dito. Bawat isa ay may kanya kanyang istorya. Magkaiba man ang ating mga paraan ng pagpapamalas ng pagmamahal, iisa lamang din ang punto... na lahat tayo, pagdating sa pag-ibig, walang sinisino, walang inaano, at aanuhin ang kailangang anuhin para maano ang ano.
Wala akong magawa. Parang asido ang kanyang kagandahan, tinunaw niya ang puso kong minsan ay ginawa kong bakal. Takot akong bumagsak sa mga subject ko noong nag-aaral pa ako pero nang makita ko siya at makilala ay nahiling ko sa langit na sana bumagsak ako at siya ang makasalo.
Dahil bigo sa unang pag ibig si Racquel ay lumayas sya sa Manila at nagbalik probinsya. Doon ay ginamot nya ang pusong sawi at sugatan. Ngunit hindi pa naghihilom ang sugatang puso ay tila gusto na agad nitong sumabak muli sa panibagong laban ng pag ibig. Sino ba naman kasi ang hindi iibig sa kanyang kapitbahay na saksakan ng kisig at gwapo?
Juan Miguel Herrera & Racquel