Martir. Yan ang pinakamagandang word na pwedeng isulat sa “Describe Yourself” section ng slumbook kung si Rian ang papipirmahin mo. Lagay mo na din ang mga salitang “baliw”, “topakin”, “abnoy”, “may tililing” at “masokista” para kumpleto ang description sa kanya. Si Rian kasi kahit ilang beses nang itinulak, ipinagtabuyan, tinapaktapakan, minura, nilait at minurder sa isip ng crush nyang si Danroe, kahit kelan ay hindi naubusan ng lakas ng loob at kapal ng mukha na ipaglaban at ipangalandakan ang nararamdaman nya para dito. Martir nga siguro sya. Pero wala syang magagawa dahil talagang pangalan ni Danroe ang sinisigaw, itinitibok at tanging pinagnanasaan ng puso nya.