Wala man sa mukha niya, wala man sa masiglang kilos niya, ay nahihirapan din siya. Nahihirapan siyang maintindihan ang sarili, ang paligid. Wala man sa mukha niya ay sumusuko na siya, para sa siyang masayahin pero zombie na taong naglalakad sa mundong ibabaw. Wala man sa mukha niya, pero ayaw na niya. Wala man sa mukha niya, pero nasasaktan siya. Ang puso niyang umasa ay binasag at nasugatan ng sobra sobra. Wala man sa mukha niya, ay umaasa pa rin siya. Umaasa siyang magkakadahilan pa ang buhay niya. Wala man sa mukha niya pero mananakit siya. Ang dalawang tao, isa minalas sa pag-ibig, at isa minalas sa buhay. Magkrukrus ang landas nila, Pero ito na ba ang daan para magkadahilan sila na maging makulay ang mundo nilang itim at puti?
23 parts