#1 - KASALANAN KO BA?
Kasalanan bang umibig?
Kasalanan bang mahalin ang taong hindi ka mahal?
Bakit ganon? Bakit hindi ako mahal ng taong mahal na mahal ko?
Hay nako. Simulan ko na nga .
Naranasan niyo na ba to? Yung tipong gustong-gusto mo siya? Tapos siya? Hay ewan.
Masakit mang isipin na may mahal na siyang iba. Kaso, etong tangang puso ko, hindi niya kayang pigilan ang pag tibok.
Nung dumating yung time na nakasalubong ko sila ng Gf niya. Alam mo ba kung ano lang ang ginawa ko? Ayun. Yumuko na lang. Hindi ko kasi kayang tignan sila na masaya. Habang ako sa gilid? Lungkot na lungot. Nung malayo na sila. Bumulong ako "Sana ako na lang siya"
Bakit ba ganon? Yung tipong mahal na mahal mo siya tapos siya? Mahal ka ba?
Ang tanong na laging pumapasok sa akin.
Kasalanan ko ba na minahal ko siya? O sadyang tanga lang ako para mahalin siya???
THE END