Sabi nila, hindi lahat ng Anghel ay sundo natin. May mga Anghel na binabantayan rin tayo... Sila raw 'yong tinatawag na mga Guardian Angel. Naniniwala ka ba sa kanila?
Paano kung isang araw may humingi ng tulong mo dahil hindi niya daw maalala ang kanyang pagkatao..
At hindi ka niya titigilan dahil ikaw lang ang makakatulong sa kanya. Tutulungan mo ba?
Eh paano kung malaman mo na... MULTO siya. Anong gulo kaya ang dadalhin niya sa buhay mo?