Prologue Sabi nila kapag nagmahal ka.. Minsan hindi ka na nakikinig sa mga payo ng mga malalapit sa buhay mo.. Dahil mas pinapakinggan mo ang isinisigaw ng puso mo.. Kahit alam mong mali at maaring maging kapahamakan mo. Naranasan ko ng magmahal ng ganyan. Hindi ako nakinig sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko sa maidudulot nito. Dahil ang tanging nasa isip ko lang, MAHAL KO SIYA AT ALAM KO MAHAL NIYA RIN AKO. Pero lahat ng ito ay pinagsisihan ko dahil sa isang malaking pagkakamali. Nagbunga ang aming pagsasamahan sa lalakeng mahal ko sa mga murang edad namin. Ang una, akala ko ay magiging okay lang ang lahat. Dahil nangako naman siya sa kin na hindi niya ako iiwan. Sabi niya, mamahalin niya kami pareho ng magiging anghel namin. Umasa ako sa pangakong yun. Pero sa isang iglap.. Bigla siyang nawala.. Iniwan ako ng lalakeng mahal ko. Iniwan niya ako at ang anghel namin. Iniinsulto ako ng iba na isa raw akong disgrasyadang babae.. Ningungutya kaming dalawa ng anghel namin. Hindi ko matiis na makita ang anghel namin na nahihirapan dahil sa mga insulto. Wala man lang siya sa tabi naming dalawa para ipagtanggol kami. Akala ko ba mahal niya ako?