Noong pumasok ako sa industriyang ito, akala ko marangya ang buhay sa Call Center ("Call Cenner" kung bigkasin ng ilan sa mga kasamahan kong tila nasabuyan ng Vetsin yung dila sa kaartehan). Akala ko ito na ang sagot sa kahirapan ng Pilipinas, na tipong puwede ko nang iahon sa karukhaan ang pamilya at mga kamaganak namin noong pumasa ako sa interview. Pero hindi pala ganoon kadali ang sinasabi nilang "Easy Money" ng BPO (Business Process Outsourcing) Companies. Hindi siya laging "Easy" at hindi laging "Money" ang pwede mong makuha. Hindi! Hindeeee!! ************************************************** Nahahalina ka rin ba sa dami ng Zeros ng future sweldo mo na nakalagay sa inaapplyan mong Call Center Company? Oh sa dami ng incentives na pwede mong makuha at nangangarap mag-swimming sa bundok ng pera pero 'di mo alam kung paano magsisimula 'pag tinanong ka na sa interview ng "Why Call Center?"; Well, walang problema. Maliit na bagay! Mahabang kwento 'to pero simulan natin sa simpleng "Ganito kasi 'yon".... ---------------------------------------------------------- May mga larawang kalakip sa panulat na ito na hindi sa'kin at ang "Karapatang Ari" ay ibinibigay sa kaukulang nagmamay ari ng mga larawang nagamit. All Rights Reserved January 2016 @jeyffermendez
22 parts