Mga gangster. Mga baril. Mga taong walang ginawa kundi pumatay ng kapwa. Mga- sabihin na nating- "walang puso" ang nasa paligid niya. Yan ang palaging nakikita at nararanasan ng isang Francine Cilwonel. Ang pamilya niya ay parte ng isang Mafia group. Ay mali, ang pamilya niya ANG ISA SA FAMOUS MAFIA GROUPS SA MUNDO. Si Francine ay isa sa mga spies ng Cilwonel Organization. Siya ang pinakamagaling sa lahat ng spies sa Org. kaya siya ang ginawang leader ng mga spies dito So dahil siya ang leader, malamang siya ang inaasahan ng mafia boss Ang kailangan niya lang namang gawin ay maging isang FASHIONISTA IN DISGUISE. Kailangan niyang protektahan ang sinabi ng mafia boss. Ngunit hindi niya alam kung sino iyon. Makakayanan niya bang protektahan ang taong tinutukoy ng mafia boss?