Masayahing tao talaga si Glorilyn o mas kilalang Orange sa karamihan. Weird mang nickname ang Orange pero wala siyang pakialam, kasing walang pakialam niya sa mga kakatuwang tingin at reaksiyon ng mga ito kapag nakikita siya. Bakit? Naglalakad na pusa lang naman kasi siya. Everything was okay ngunit dumating na yata ang taong magbibigay kaguluhan sa tahimik niyang mundo. Natutuwa si Paolo nang una niyang makita si Orange. Cute and full of energy, nothing like of a woman her age. Mature mang tingnan ang dalaga, naroroon pa rin ang saya ng pagiging bata rito sanhi para mahawa siya rito. Maattach siya rito. At hindi maalis sa isip ang dalaga. Pero paano kaya kung mainlove si Paolo kay Orange ngunit marinig mula sa dalaga na hindi ito papayag na magkaroon ng relasyon sa kaibigan nito? Papaano kaya kung nararamdaman na ni Orange na mahal din niya si Paolo ngunit natatakot siyang hindi siya matanggap ng sangkatauhan ng nakapalibot dito?