Umaasa? naging hobby ko na siguro yun. Yung umasa sa taong kahit kailan alam kong hindi naman ako magugustuhan, na alam ko namang may mahal siyang iba. Pinipilit ko namang kalimutan siya pero bakit ganun? kahit anong gawin kong paglimot, hindi pa'rin siya mawala sa puso't isipan ko. Yung lagi ko nalang siyang naiisip, hanggang sa panaginip nandun pa'rin siya. Ganun siguro kahirap kalimutan ang isang tao lalo na't araw-araw naman kayong nagkikita, lalo na't araw araw ka naman niyang kinakausap, araw araw ka naman niyang kinukulit.
anong ggawin mo kung yung taong mahal na mahal mo eh nakalimutan ka ng dahil sa isang insedente... tuluyan mo na ba siyang kakalimutan? oh mas pipiliin mong ipaglaban kung ano yung meron sa inyong dalawa? Ngayo't nalaman mong ikakasal na pala ito sa iba.. ano nga ba ang kayang gawin ng isang tunay na pagmamahal?
Published: June 25, 2016
Author: iAmKuma