Sa mundong ginagalawan natin , hindi lahat ng gusto natin ay maaaring mapasaatin , hindi lahat ng napasaatin ay muli mapapasaatin at hindi lahat ng nasa atin ay mananatiling nasa atin .
May mga pangyayari na kahit anong pilit nating makuha ay hindi natin makuha . Dahil tayo ay nasa realidad , tayo ay nasa katotohanan at tayo ay nasa totoong mundo .
Hindi lahat ng bagay ay nakukuha ng madalian . Lahat pinagsusumikapan , lahat pinaghihirapan , at lahat pinagtatyagaan .
Sa buhay ni Beauty , ninais niyang makamit ang kanyang minimithi . Nangarap ng mataas at lumipad ng mataas . Natupad ang mga pangarap pero sa huli ay umuwi paring luhaan .
Ang inakala niyang magpapasaya sa kanya ay pabalat kayo lamang pala . Pero ano pang magagawa niya kung ang talaga palang pangarap niya ay hindi na maaaring mapasakanya .
Dahil sa mundong ito , hindi lahat ng NAUNA ay siya ring MAGWAWAKAS .Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang