Madalas na nagbabangayan si Katrina at Bryan. Ang nakatatandang kapatid ng matalik na kaibigan niyang si Tamara. Oo nga at sa tingin niya ay ito na ang pinaka poging lalaking nakilala niya ngunit napaka suplado at sungit naman nito sa kanya. Walang pagkakataon na nasa iisa silang lugar na hindi sila sumasabog. Kaya naman tudo ang ginawa niyang pag-iwas dito. Ngunit kinailangan niyang makitira sa bahay ng magkapatid. Habang nakakasama niya si Bryan ay unti-unti rin nahuhulog ang damdamin niya dito. Hanggang sa ibigay niya ang buong sarili niya dito ng walang pag-aalinlangan. Ngunit tulad ng ibang nagmahal at nagmamahal ay nagpaka tanga rin siya. Umasa siyang may katugon ang pag-ibig niya para dito pero patuloy pa rin pala ang relasyon nito at ng modelong si Ylona. Ano nga naman ang aasahan niya sa PLAYBOY ng San Martin?