Tulang para sa PRESIDENTE KONG MAANGAS
Ikaw yung Babaeng sa unang tingin ay Walang maibubuga sa iba
Hindi ka kaayusan mag ayos,napakajologs ng kasuotan Kumpara sa kanila
Yung tinginan mong nakakapang init ng ulo sa akin!
Napakaangas kumpara sa akin
Sa unang araw ng pagkikita,galit ang sa atin sumalubong
Mga tinginang walang kwenta,sa iyong mata sumasalubong
Sa bawat kibo mo ay aking kinagagalitan,
nagsimula sa PAKYU! ang ating rambulan!
Dinaig pa ang aso't Pusa sa mga bangayan,
Mga sagutang pang kalye ang banatan,
Mapapaisip at mapapatanong sa sarili,
Saang eskinita ka ba talaga galing at asal mo ay ganyan,
Isang babaeng kung kumilos ay lalaki
Isang babae na daig pa kung manapak ang lalaki
Isa kang babae,pero lahat ng gangster takot sayo at dali
Isa kang babae,pero bakit puso ko ngayon sayo na grabe!
Mga kaartehan sayo'y di taglay
Umirap,tumingin sa gilid at maglalabas ng malalim na hininga
Natutulog na nakaupo ay wala sayong hirap
Napaka astig mo sa mata,napaka lakas mo sa kanila
Laging natanong sa isip,sino ka ba talaga?
Na yung dating walang paki sa iba,ay iniidolo ka na
Yung mga katangiang mong itinatago ay kusang lumalabas na
Na nagbibigay ng dahilan para mahalin ka.
Ayoko mahulog,yan ang pangako ko
Ayoko umamin,dahil pakiramdam koy ginugulo lamang ako
Ngunit sa bawat pagtanggi ko,ikaw ang siyang paglapit nito
Puso koy tumitibok na parang sinisigaw ang pangalan mo.
Kung sa bawat galaw mo noon ay kinaiinisan ko
Ngayon sa bawat galaw mo'y sarap mong pagmasdan
Pinasok mo ang bawat sulok ng buhay ko
Kaya't sisiguraduhin kong di ka na makakalabas dito.
Kung ikaw ang Reyna ni Sean
Ang Fiancee ni steve
Ikaw ang aking Presidente
Kung lahat ng lalaki saiyo'y nahumaling
Sisiguraduhin kong sa akin ka mananatili
SAMANTHA AYALA PARK SANTIBAÑEZ FERNANDEZ
Ang FUTURE NA KAAANGASAN NG LAHAT
KAYA NIYANG SALUIN MASKI PUSO MONG WASAK