FROM MY FAMOUS KOREAN STALKER TO THIS 👆
---
Simpleng mabait na korean idol fan girl lang si Jozza Brione Yray noon. Nagwawala kapag inaasar ang bias, super kinikilig kapag nanonood ng K-dramas, todo iyak kapag Team Bahay, at handang gawin ang lahat para lang sa kaniyang hinahangaan.
Pero nagbago ' yon lahat.
Wala na ang mabait na Jozza at wala ng posters, albums, korean songs at kahit anong may kinalaman sa Korea lalong lalo na sa K-stars ang mundo niya. Na napakahirap gawin dahil nandito siya sa Pinas, ang pugad ng sandamakmak na fan bases ng mga K-stars. Kaya mas lalong humirap ang makalimot, dagdag pa ng muling nagparamdam ang may sala ng lahat. Ang taong sagad hanggang buto ang kapal ng mukha para lang magpakita ulit sa kaniya pagkatapos ng lahat.
Pagbibigyan pa ba niya ang muling pagsubok pumasok nito sa buhay niya o makikipaglaro na lang siya dating sa laro na inumpisahan ng kaniyang K-Star stalker?
HIGHEST RANKS ACHIEVED;
#50 Fangirl
#649 Teenfiction & Comedy
Published since 2016.
Cover edited by CTRLtInk
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.