"Goodnight Julien." sabi nya. Nakatayo na kami sa harap ng gate ng apartment namin. At grabe lang, ang gwapo-gwapo nya under the moonlight. Full moon kasi ngayon, at kahit walang masyadong street lights, medyo maliwanag pa din dahil sa liwanag ng buwan.
And I could still see his eyes that seems to undress my soul.
"G-goodnight Mr. Merca-- I mean, Andrew. Goodnight... Andrew." sagot ko naman na nauutal pa. Gusto kasi nya na Andrew na lang daw itawag ko sa kanya pag nasa labas ng opisina, Saka my gosh! Hindi ko matagalan yung titig nya. Para akong natutunaw. At dahil parang feeling ko, nagba-blush na ako, tumalikod na ako dahil nakapagpaalam na rin naman, pero bago pa ako makahakbang, pinigilan na nya agad ako sa braso at iniharap sa kanya, at walang anu-anong hinalikan...
Sa labi.
Dun ko lalong naramdaman yung kuryente na kaninang naramdaman ko nang magdampi ang mga kamay namin. But this time, things became even more intense.
***
Here's my another romance story. Enjoy reading!
-ARISTOCRATA
V-card ang kanyang naging susi kung bakit siya nakapasok sa buhay ng lalaking iniiwasan ng lahat dahil sa pagiging malupit pero handa ba siyang harapin ang parusa kapag malaman nito na naghihiganti lang siya? Matatanggal mo ba ang mantsa na itim para muling lumitaw ang puting rosas? o ikaw ang maging dahilan kung bakit ang puti ay tuluyan nang maging itim na rosas?