"Sorry talaga" "Pinagsisisihan ko na yon" "Sana bigyan mo pa ko ng chance" "Hindi ko na uulitin yung panlolokong ginawa ko sayo noon" "Promise. Forever na tayo" Ilan lang yan sa mga katagang madalas binibitawan ng mga ex natin na gusto tayong balikan, para makuha ulit yung loob natin. "Pero bakit nga ba sila bumabalik?", yan ang tanong na madalas bumabalot sa puso't isipan natin. Para sa Closure nga ba? Para happily-ever-after na? o para gawin ulit tayong tanga? Kahit ano pa mang rason nila hindi maiiwasan na mapaniwala ka dahil nga....... mahal mo pa. lalo pa't........ first love mo sya. Pero ilang beses ka nga ba masasaktan para mahanap mo na si "The One"? Ilang beses kabang iiyak at magpapakatanga para sa maling tao lang? Kagaya rin ba kita na wala namang ibang ginawa kundi magmahal lang pero sya ding nasasaktan pagdating sa 'love' na yan? Minsan talaga mapapatanong ka nalang kung "DESERVE KO BA TO? Nagmamahal lang naman ako." ~Jean ♡
4 parts