Jhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganun din ka-imperfect ng pamumuhay at paligid niya. Isa lang naman siyang ordinaryong babae na nangangarap ng simple at maayos na buhay nilang mag-iina. Hindi pa siya naipapanganak ay iniwan na siya ng ama niya na hindi niya alam ang dahilan. Siya ang nagsilbing haligi ng tahanan para sa nanay niyang lasengga at half-brother niyang bakla. Sa buhay pag-ibig niya kaya? Perpekto kaya? At ano bang mangyayari sakanya? Tunghayan po natin ang kwento ni Jhola Perpekta :)