Isa lamang siyang hamak na estudyante na nagaaral at nagmamahal. Siya ang pinakamasiyahing tao sa buong school at siya rin ay kaibigan ng lahat ng tao sa school maski ang teachers pati na rin ang mga maintenance o mas alam sa tawag na janitor o janitress. May mahal siyang isang lalaki pero hindi manlang siya napapansin nung lalaki kahit makipag-kaibigan lamang siya dito. Ang kaya niya nalang gawin ay magbigay ng mga love letter at magmasid sa malayo. Mahal niya ang lalaki simula pa noon. Ilang taon na rin itong nagpatuloy pero ayaw niyang sumuko. Pero isang araw, naisip niya na wala talaga siyang pag-asa kahit anong gawin niya. Kaya ang sabi niya sa sarili susuko na siya. Scarlet: "Ayoko na. Suko na ako. Ilang taon na kitang mahal pero ano bang ginawa ko para mangyari sa akin 'to? Bakit kasi ANG TANGA KO SAYO?" Anong mangyayari kung ganito ang ginawa mo? Sasaya ka pa ba? O sadyang magiging mapaglaro si tadhana at ibaliwala ka?