Sa tingin mo, gaano kalaki ang chance na makakatabi mo yung crush mo sa isang lugar? 20%? 50? o 0? Di ko rin alam eh. Never naman kasing nangyari sakin yan. Hanggang tingin lang naman ako sa kanya mula sa malayo. Ganyan naman din yung iba, mostly. Hangang tingin nalang. Buhay “Crush” nga naman. Hanggang pasulyap-sulyap nalang. Pero paano kung one day, maging mabait sayo si Destiny at pagtabihin niya kayo sa iisang lugar? Ano mararamdaman mo? Ano i-re-react mo? At higit lahat, anong gagawin mo? Susulitin mo nalang ba ang mga sandaling magkatapat kayo o mag-te-take risk ka?