Sabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matamis. Dahil minsan, masakit at mapait. At minsan kailangan mong magdesisyon para hindi ka mawalan.
Xareen Peni Romualdez ang babaeng minsan nagmakaawa, minsan nanlimos, hindi ng pera kundi ng pagmamahal.
Isang desisyon ang magpapabago ng buhay niya. Ang magpabuntis sa taong hindi niya kilala.
Sa pagdaan ng panahon, pagtatagpuin ulit ang landas nila ng ama ng anak niya. Mararamdaman niya kaya ang tali na nag-uugnay sa kanila, o sa paiiralin ang paniniwala na walang pagmamahal na nakalaan para sa kanya.
"H-Hanggang k-kailan m-mo ba ako ikukulong dito A-Alas?" tanong ko na niyakap ang dalawang tuhod habang hilam sa luha ang mukha.
Itinaas niya ng Zipper ng pantalon niya at lumapit sa akin. So close that I can smell his breath.
Hinawakan niya ang baba ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Anger, hatred and lust was visible in his eyes.
"Until I die." aniya na mabilis hinalikan ang labi ko. I closed my eyes and cried. Sa sakit at awa sa sarili. "If you want to leave this hell, kill me." mas lalo akong napaiyak.