Pamilyar ka ba sa kantang ito? Ikaw, ang pag-ibig na hinintay Puso ay nalumbay ng kaytagal ngunit ngayo'y nandito na Ikaw, ikaw Pag-ibig na binigay sa akin ng Maykapal Biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y Ikaw Naranasan mo na bang mawalan ng minamahal? Para kay King Dave higit pa sa nawalan dahil halos lahat ng nagmamahal sa kanya ay iniiwan siya. Kasabay ng pagpanaw ng kanyang ina ay ang pagkalulong ng kanyang ama sa alak at hindi man lang namamalayan na may anak pa siyang natitira at nagmamahal sa kanya. Sa kanyang walang kalayaan dahil sa paghihigpit ng kanyang ama nang muling lumago ang kanilang kompanya, ay ninanais niyang magkaroon ng kalayaan sa kunting panahon. Sa gabing iyon, ay napagdesisyunan niyang tumakas sa kanilang bahay at doon niya nakilala ang isang babae na umiiyak din at nakakaramdam ng pighati sa kanyang puso. Naawa siya rito at gayundin, ay parang ganoon rin ang pighating kanyang nadarama sa panahon na iyon dahil sa mga naging karanasan niya sa buhay. Kanyang yinakap ang babae kahit hindi niya pa ito nakikilala at sabay silang umiyak sa loob ng isang parke sa gitna ng gabi. Kapwang nagdadalamhati ang kanilang puso dahil sa dinaranas sa buhay. Sa hindi malamang dahilan, ang kanyang kalooba'y biglang nahulog sa babae sa kanilang unang pagtatagpo at ninais niya itong hanapin. Doon sa mismong unibersidad niya, nakita niyang muli ang babaeng matagal na niyang hinahanap na kahit ang pribadong imbestigador ay hindi pa mahanap. Masasabi kayang tadhana ang nagpalapit sa kanilang dalawa at nagpatagpo sa kanilang mga puso sa sandaling iyon? Magkakaroon kaya sila ng sariling kwento at sasabihing ikaw na ang matagal ko ng hinahanap o mananatili na lamang na isang alaala ang kahapong pinagsaluhan nila na may pagdadalamhati sa kani-kanilang mga puso?All Rights Reserved