Hanggang kailan mo kayang itago ang isang lihim? Hanggang kailan mo kayang itanggi ang isang kasalanang ginawa ng iyong mga kaibigan? Hanggang kailan mo kayang kimkimin ang takot at isiping imahinasyon lamang ang lahat ng mga nangyayari? Hanggang sa maubos na ang lahat ng mga kabigan mong nakakaalam ng lihim na 'yon? Hanggang sa madamay ang mga inosenteng taong nakapaligid sa 'yo? Hanggang sa pati ang buhay ng taong mahalaga sa 'yo ay malagay sa bingit ng kamatayan? O hanggang sa ikaw na ang susunod na mamatay? Sino nga ba si KAIBIGAN? Anong relasyon niya sa Pandayang Sining Organization? Anong koneksyon niya sa isa-isang pagkamatay ng mga miyembro? Nag-eexist nga ba talaga siya? O lahat ng nangyayari ay may maliwanag lang na eksplanasyon at may isang taong nasa likod ng malagim na nangyayari sa buhay ng bawat miyembrong namamatay? Pero namamatay nga ba? O pinapatay? Tara.. Tunghayan natin ang kwento ni Kaibigan... Na ayon sa kwento ng organisasyon, ay isang matabang kuba, panget at mabaho na nangarap lamang magkaroon ng kabigan. Ngunit ni isa. ay walang nais na maging kaibigan siya... Ihanda mo na ang sarili mong malaman ang kanyang kwento. Ihanda mo na ang sarili mo na marinig ang kanyang mga bulong na... "IKAW? Pwede ba kitang maging KAIBIGAN?" ************* PLEASE COMMENT, VOTE AND SHARE! :) :) :)All Rights Reserved
1 part