Ang pag-ibig hindi natin alam kung kailan dadating. Meron dumadating na maaga, meroon ding kelangan mong maghintay ng mahabang panahon bago mo ito makita. Ngunit, ano nga ba ang dapat mong gawin? Ito nga ba ay hinahanap o ito ba ay kusang dumadating? Marami ang nag sasabing, paano mo ito makikita kung hindi mo ito hahanapin. Ngunit may nagsabi ding hindi mo dapat ito hanapin dahil kusa na lang itong dadating sa buhay mo. Sa storya ni Daniela, hinanap kaya niya ang pag ibig o bigla na lang itong dumating sa kanya sa di inaasahang pagkakataon?