"Siguro hindi lang naman ako nakakapansin na halos lahat ng ating naging karelasyon ay mayroong something in common. Gaya ng looks at fashion statement, hobbies and pastime, at higit sa lahat pareho sila ng mga name initials. Kung hindi mo pa napapansin yun, ano pa hinihintay mo? Simulan mo nang mag-isip. Pero kung wala tlaga, huwag mo ng ipilit". - Ruiane Clerio, 20, Quiapo, Manila, single. Paano mo tatanggapin ang dikta ng kapalaran na iyong pinaniniwalaan kung ang itinitibok ng iyong puso ay kasalungat nito? Sapat na bang ipaubaya ang lahat sa taong itinakda o subukang baguhin ang ikot ng tadhana? Love can be soothing but it can also be deceiving.