-Yasmin Jade Forteza-
Minsan may mga tao talagang hindi mo akalaing dadating sa buhay mo, hindi mo akalaing makikilala mo, hindi mo akalaing mamahalin mo at hindi mo akalaling magiging parte ng nakaraan mo.
Pag-ibig ba kamo? Syempre naniniwala ako jan dahil pano naman ako mabubuo kung hindi nagmamahalan ang mga magulang ko diba? Dumating si dad sa buhay ni mommy, nagkakilala sila at minahal nila ang isa't-isa. Pero dumating yung araw na nilagay ni dad ang sarili nya sa nakaraan namin, iniwan nya kami ni mommy para sa ibang babae nya... Pag-ibig ba yun? Minahal nya ba kami?
Siguro hindi.. dahil ang pagmamahal ng isang tao hindi kumukupas yan, kahit gano kaman nasaktan o nabigo.. Hindi ibig sabihin na hindi na ako umiibig nang dahil lang sa pangyayaring yun, umiibig pa rin ako kaya lang umiiwas ako.. Ayokong maging tulad ng mommy ko na iiwan sa ere, sasaktan lang ako at ipagpalit sa iba..
May makapagbabago pa ba sa akin? Can someone prove me wrong?
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.