Sa aking pag-iisa ikaw ang nais makita Sapagkat problema'y sayo lamang nai-wiwika Sa gabing madilim ika'y nagniningning Nangingibabaw ang iyong angking ganda Hindi ko man mawari, Naiiyak at nalulungkot kapag ika'y nasisilayan Dahil kapag may pighati ang aking puso, Ikaw lamang ang nais maging tagapakinig Kapag ako'y nakatitig sayo sinta, Kaginhawaan ang humahaplos sa aking puso At sa bawat pintig nito, Sumasabay ang iyong walang tigil na pagkislap Maliit at malayo ka man sa aking paningin Malaki at malapit ang puwang mo sa akin Misteryoso man masasabi, Ngunit makikita sa ngiti ng aking labi Isa lamang ang aking hiling munting bituin Huwag mong iiwan itong aking puso Sapagkat sa panandaliang ating pagkikita Nasanay na sinta sayong presensya.All Rights Reserved