"Itago nalang natin ang pangalan ko sa pangalang Potpot. Medyo boring ang story na to pero gusto ko makarelate ang mga readers. My story is about kung pano ako nagtagumpay sa sarili ko. ok lets start. Aminado ako sa sarili ko na dati akong lokoloko. Naalala ko pa nung bata pa ako (10-12 yrs old) ay laman na ako ng barangay palagi at iisang kaso lang ang kinasangkutan ko, away, riot, bullying. Hinding hindi mabubuo ang araw ko ng hindi dumadampi itong kamao ko sa mukha ng mga kaaway ko o kahit na sinong trip ko lang. Pero aminado din ako sa sarili ko na may kinakatakutan ako. Malakas din ang loob ko kahit ako lang magisa at sinusugod ko lahat ng kaaway ko o kahit kaaway ng tropa ko o kahit kaaway ng tropa ng kaaway ko. Napabilang din ako sa grupo ng kilalang fraternity nung high school na ako. Pero kahit na ganun ang buhay ko dala ng impluwensya ng barkada ay hindi ko pinabayaan ang pagaaral ko. Hindi ko pinagyayabang bagkus ay naalala ko lang ang aking pagkabata. Nagtatop ako sa klase