"What does it feel like to be a high school student?"
Eto palagi ang tanong ng mga elementary students!
"Highschool ang pinaka masarap na pangyayaring mararansan mo sa buong buhay mo dahil dun mo makikilala kung sino ang totoong tropa mo at doon mo din maeexperience lahat ng first time." Eto ang sabi sakin ng kuya ko pagka-graduate ko ng grade 6.
Napatunayan ko na totoo nga lahat ng yun. College na ako ngayon pero bitbit ko padin ang saya na binigay sakin ng highschool life ko!
Canteen, Clinic, Bahay ng barkada o mall... Ang apat na tambayan sa tuwing tinatamad pumasok.
Left, right, front and back.... ang apat na sandalan sa tuwing exam.
High school taught me to make every moment of my life count kasi may expiration date pala lahat ng kasiyahan. It's not the same anymore nung nag college na ako. Nakakapanibago at nahirapan ako mag adjust dahil ibang iba ang mga tao.
Kung pwede lang maging highschool nalang forever eh! Kung pwede lang talaga....
But we need to accept the fact that things change and so people do.
Alam ko na kahit kelan, hinding-hindi ko na ulit mararamdaman ang saya na naramdaman ko nung high school ako kaya isusulat ko nalang lahat ito. Hanggang ngayon kasi, may hangover padin ako sa mga pangyayari. Namimiss ko lahat and at the same time, natatawa at nasasamaan din ako sa sarili ko.
Kaya kung ano man ang kasamaan na mabasa niyo, wag na wag niyong gagayahin please! Kuha lang kayo ng idea pero sana ay mag silbi din itong aral para sa inyong lahat.
HIGSCHOOL? THE BEST!