If I Follow My Heart (Finished)
9 parts Complete Si Carlyn, isang kamangha-manghang babaeng chef; may matagumpay na karera ngunit isang manhater dahil ang kanyang ama ay isang babaero na humiwalay sa kanyang ina, at ang kanyang kapatid na babae ay disgrasyada mula sa dati nitong kanyang kasintahan. Takot siyang lokohin ng mga lalaki dahil sa hindi magandang karanasan ng kanyang pamilya, kaya hindi pumasok sa isip niya na makipagrelasyon at itinuon na lamang niya ang kanyang oras sa pagpapalago ng kanyang career. Habang si Kevin ay isang gwapo ngunit tamad, privileged, at walang pakialam sa feelings ng iba. Siya ay tagapagmana ng isang multinational food company at kamakailan ay nag-runaway groom sa araw ng kanyang kasal at sa parehong araw na 'yon ay nagse-serve si Carlyn ng pagkain para sa mga guest. Bago pa maganap ang kanilang kasal, batid na ni Kevin na pinagtataksilan siya ng nobya kaya niya pinili niyang pahiyain ito sa harap ng maraming tao sa pamamagitan ng pagtakas sa mismong kasal kaysa isiwalat ang ginawa nitong pagtataksil sa kanya.
Sinubok naman ni Carlyn na pigilan si Kevin sa pagtakas dahil naawa siya sa nobyang iniwan nito sa altar. Sinundan niya ang lalaki at sinubukang pigilan ang pagtakas nito ngunit lumala ang mga pangyayari nang sila ay ma-trap sa hindi malamang lokasyon dahil sa biglaang bagyo at hindi na nakabalik sa lungsod.
Start/End: 10.22.22