Tagpuan Sa bawat paghakbang ng paa tuluyang umabante palayo sa kung san tayo huling nagtagpo. At sa paglingon ko'y wala ka na, hinanap, hinabol, tinanaw ang malayo. Ang bilis mong lisanin lahat ng sa atin. Masyadong mabilis ang paglayo at tuluyan ka ngang naglaho. Umaasa padin sa tagpuan ika'y magbabalik. Kung saan lahat ng alaala natin ay doon namalagi. Araw araw bumabalik. Oras oras hanap ka ng puso. Sabik sa bawat yakap at halik. Tanging boses mong maganda nais madinig. Mata mong nagniningning sa ganda. Labi mong lageng nakangiti. Ikaw lang naman kasi ang nais makita. Ngayo'y lumipas na ang araw at buwan. Tila bumabagsak nadin ang pagasang babalik ka pa. Ngunit tanging gusto ay ikaw lang abutin man ng nubenta. Di maglalaho ang salitang mahal kita. At ikaw lang ang nais sabihan ng matatamis na salita. Wala ng iba. Kasabay ng aking pagtanda ay di malilimot bawat masasayang alaala. Alam kong sa ganda mo ay maraming nagkakagusto kung kaya't aking nilisan ating tagpuan, hinanap ka kung saan saan. Baka sakaling pag ika'y aking nahanap at ako'y iyong nakita maalala ng puso mo na mahal mo ako. Tila lumipas ang araw at buwan. Sa aking paghahanap wala akong natanaw na ikaw. Napagod, nahilo, nalito, at nalungkot kaya bumalik ako sa ating tagpuan. Nagbabakasakaling ikaw ay aking matagpuan. Sa pagbalik sa tagpuan. Ika’y aking nakita, nakangiti, tumatawa. Dali dali akong lumalakad papalapit sa iyo. Ngunit napansin kong may kasama kang iba. Nagyakapan kayong dalawa. Masayang nagtatawanan. Tumalikod ako na para bang walang nakita. Tumakbo palayo. Lumuluha. Wala akong magawa. Bumuhos ang malakas na ulan. Isinigaw ko lahat lahat ng aking damdamin. Para bang umayon sa akin ang panahon. Nakisabay sa kalungkutang mayroon. Labis akong nasaktan. Nagdamdam. (Part two will post right away)All Rights Reserved
1 part