Isang babaeng nagpapanatili ng kapayapan sa Kristina Academy. Puno ito ng mga mayayaman na mag aaral. May mga scholar din o commoner kung tawagin. Mga basag ulo at palengkera ang mga nag aaral dito na di mo aakalain na anak mayaman dahil parang walang mga pinag aralan at iniingatang pangalan. Hindi ginagalang ang mga guro at iba pang nagtratrabaho sa paaralang iyon. Ngunit nagbago ang lahat ng maging presidente ng student council ang isang maganda at matalinong babae. Kahit na isa itong scholar lamang ay ginalang siya agad ng lahat. Simula noon ay naging tahimik ang buhay ng mga studyante at bilang na lamang ang mga kaguluhan. Madami na ang sumusunod sa r and r ng eskwelahan. Natuwa ang may ari ng Kristina Academy sa pinakitang pagbabago ng mga estudyante kaya naisipan niyang pauwiin ang bunsong anak nito mula sa amerika at doon pag aralin. Nung una ay ayaw nito pumayag ngunit wala siyang nagawa dahil naka freeze lahat ng credit card nito. Nagbabakasakali naman ang magulang ng binata at dalawang panganay na kapatid nito na mababago din ang masama nitong ugali. Mababago kaya ng astiging presidente ang pasaway na binta? o susuko na lamang siya?