EPILOGUE 1970. Madaming tao sa plaza. Iba't ibang uri. May negosyante, may mga guro, may mga kabataan. Pinakamarami ang ordinaryong tao. 'Ang lahat ng programang inihain ko ay para sa inyo. Ang buwis na mula sa taga-Batangas, lahat mapupunta sa Batangueno.' Hiyawan ang mga tao. Palakpakan. 'Mahal ko ang aking bayan...." pagpapatuloy ng gobernador. Governor! Governor! sigawan ng mga tao. 'Mabuhay si Governor Mauro Lantin' Masayang nakipalakpak si Pablo habang nakaupo kahilera ng mga kapartido ng matalik na kaibigan. Ilang gabi na siyang kasama nito sa pangangampanya sa bayan-bayan. Pinagmasdan niya ang mga taong sumusuporta sa kaibigan. bakas sa mga mukha nila ang pagmamahal sa gobernador. Totoong tao si Gov. Mauro. Tuwid at may prinsipyo kaya nga sa loob ng 2 termino ay napalago nito ang probinsiya ng Batangas. Ngunit sa huling kampanyahang ito ay tinapatan siya ng anak ng dating gobernador. At ayon sa bali-balita ay namimili daw ito ng boto. Sinuyod niya ng tingin ang mga tao. Naningkit ang mga mata niya ng mahagip ang isang lalaki sa itaas ng puno habang nakatutok ang silencer nito kay Governor. Kitang-kita niya ng iputok nito ang baril. Inilang hakbang niya lang ang gobernador at kinubabawan ito. Dapa!!! Nagkagulo ang mga tao. Sinamantala nila iyon para ilayo ang gobernador. 'Salamat, pare!Utang ko sa'yo ang buhay ko' anang Governor ng makauwi na sila sa mansyon nito. 'Handa akong ibuwis ang buhay ko para sa aking matalik na kaibigan' 'Ganun din ako para sau, Pareng Pablo! Upang mapanatili ang pagkakaibigang iyon, gumawa sila ng isang testamento. Ang lahat ng paglalahad nito ay responsibilidad ng BSA, ang bangkong pagmamay-ari ni Pablo.All Rights Reserved